Welcome to the Future! Welcome to my DreamBook
Explain ko muna kung bakit Welcome to the Future! Sabi nga nila, Start with an End in mind. Dapat may result ka na sa utak mo bago mo gawin ang isang bagay.So halika tingnan natin ang future ko, ang future natin. Ako lang ba ang nakakakita ng Future ko? I'm sure nakikita mo na din yun, di mo lang napapansin.Lahat naman tayo may mga pangarap di ba? Yun na mismo! Yun na ang future mo! Maniniwala ka ba na ang kung ano ang iniisip mo noon at ngayon eh yun ang future mo? Oo naman, kung ano ang iniisip mo yun ang mangyayari. Law of Attraction ang tawag dito. Mahirap bang paniwalaan? Sabi ko nga kung ano ang nasa isip mo yun ang mangyayari, kaya kung ikaw mismo ay may doubt na ganun ang mangyayari sayo, paano pa iyon ibibigay sayo ni God di ba?
Kaya ko ginawa itong DreamBook ko, oo hindi ito book kundi isang blog, pero same lang ang principle. Ang lahat ng makikita niyo dito ay yun din ang makikita niyo sa future ko. Magtiwala ka na, nagawa ko na eh. At talagang magagawa ko ang mga ito. Sa totoo lang, akin na ang mga yan. Lahat ng makikita mo dito, ay nakita ko na at naangkin ko na sa power ng aking mind. Mahirap intindihin, mahirap paniwalaan pero di kita pinipilit. Gagawin ko na lang yun, hindi para maniwala ka pero para maangkin ko na lahat ng mga ito.
Halika na! Welcome to my Future! Welcome to my DreamBook!
(Di ko magagawa ang DreamBook ko na ito kung hindi dahil kay Sir John Calub, my mentor... Salamat sir!)
No comments:
Post a Comment